Heto na nga, panahon na raw ng computer age. Ang halos lahat ng paggalaw ng tao ay kasa-kasama ang computer sa aspeto ng buhay. Sa panahon ngayon, sinasabing kapag hindi ka marunong magkompyuter, malaking bahagi ng buhay mo ang nawala. Halos lahat ng propesyon at trabaho ay gumagamit na ang kompyuter. Buhat sa pagsulat ng resume (ito ang tawag kapag computerized, biodata naman kapag yung form na binili sa kanto at handwritten,hehe) kailangang digitally printed na at dapat may nakaattach na pinotoshop na litrato.
Ngunit gaano man ako karunong sa computer, bakit kailangan kong itago ito sa ilang tao na walang alam o tamad mag-aral ng computer.
to be continue...
Ang blog na ito ay walang kinalaman kay Adan at Eva. Wala ring kinalaman kay Isaac Newton at mas lalong walang kinalaman kay Steve Job. Hindi rin ito konektado sa Twilight movie saga at maging kay Edu Mansanas. Nais lamang ng may akda na maglaro ng mga titik upang makapagbahagi ng mga 'ginintuang' tilamsik ng diwa.
Monday, November 30, 2015
Sunday, November 29, 2015
Manyak Daw
Sa mundo naming kalalakihan, ang pagtingin sa mga babae pagdating sa katangiang pisikal, mas unang napapansin ang kurbada ng katawan kaysa mukha. Kapag may dumadaang seksing babae sa harapan, hindi maiaalis ang mapatingin at habulin ng tingin ang kanilang kurbada ng katawan. Pasimpleng tinititigan ang kanilang boobs, pwet at balakang na hinahabol pa ng tingin hanggang sa paglayo. Sa mundong ating ginagalawan, itinuturing ang mga itong makamundong pagnanasa, kamanyakan, manyakis. Isang negatibong katawagan sa isang taong sumusunod lamang sa kalikasan ng pagiging isang nilalang. Sa mga bansang Arabo lalo na sa Saudi Arabia, to the highest level ang pagkondena sa kondisyong ito. Mababa na ang mag-asawang sampal ang aabutin mo kapag nahuli kang nakatitig sa babae o sa katawan ng babae, and worst, pagkakulong na may kasama pang paglatigo.
Ang mga lalake ay naghahanap ng pinakamainam na kapareha na makapagpapatuloy ng kanyang lahi. Pinipili niya ang babaeng may mas malalaki ang boobs dahil ito ay may 'ideal size' ng mammary gland na makakapagbigay ng sapat na gatas para sa ikabubuhay ng kanyang anak, may perpektong hugis ng pwet at balakang upang maging matiwasay at may kakayahang dalhin at iluwal ang kanyang anak. Sa madali't sabi, by instinct, ang mga lalaki ay naghahanap ng ideal species na makakapagdala ng may kahusayan ng kanyang punla at naaangkop na mapupunlaan. Kaya naman may malaking salik ang pisikal na hitsura ng kababaihan sa paningin ng kalalakihan. Dahil dito, ang mga kababaihan ay hindi magkandaugaga sa pagpapaganda, pagpapakinis at pagpapaputi ng balat. Marami rin sa kanila ang nagpapadagdag ng boobs, nagpapaliposuction upang gumanda ang hugis ng katawan, nagpapatabas ng kasuotang pa'sexy' upang maging kanaisnais sa paningin ng kalalakihan.
Ganoon din sa mga kababaihan, naghahanap din sila ng nilalang na maiisurvive ang kanyang lahi ngunit may iba pang paunahing criteria ang hinahanap nila. Bukod sa paghahanap ng magandang punla, ang mga babae ay naghahanap ng 'good providers' upang mai-survive ang kanyang anak. Kaya naman, may malaking factor ang may kakayahang makapagdala ng kabuhayan sa kanya at kanyang supling, sabihin na nating naghahanap siya ng may 'good PESOnality' man. Noong sinaunang panahon, ang mga lalaking magaling mangaso ay higit na makisig sa paningin ng kababaihan.
Ngayon ang tanong, bakit mo ako sasaktan sa pagtingin sa isang babae? Bakit mo ako ikukulong sa paghahanap ko ng kaparehang maaring magpatuloy ng aking lahi? Bakit mo ako lalagyan ng label na 'manyak', gayong gumagawa lamang ako ng ocular inspection na unang hakbang sa pagsurvive ng aking species? Hindi ko naman hinahawakan 'yan, tingin pa lang.
Aking sinaliksik ang ugat ng kondisyong ito ngunit sa aking paggagalugad gamit ang Google tungkol sa pagtingin ng mga kalalakihan sa boobs and butts, sangkaterbang porn sites ang mga nangungunang links ang itinambad sa akin. Sa matiyagang pagsasaliksik, napadako ako sa isang site na nagbigay sa akin ng idea sa bagay na ito. Sa mas malalim na paliwanag ng siyensya, ito pala ay may kinalaman sa psychology and evolution of man. As in, psychology as Sigmud Freud and evolution as Charles Darwin.
Ang mga lalake ay naghahanap ng pinakamainam na kapareha na makapagpapatuloy ng kanyang lahi. Pinipili niya ang babaeng may mas malalaki ang boobs dahil ito ay may 'ideal size' ng mammary gland na makakapagbigay ng sapat na gatas para sa ikabubuhay ng kanyang anak, may perpektong hugis ng pwet at balakang upang maging matiwasay at may kakayahang dalhin at iluwal ang kanyang anak. Sa madali't sabi, by instinct, ang mga lalaki ay naghahanap ng ideal species na makakapagdala ng may kahusayan ng kanyang punla at naaangkop na mapupunlaan. Kaya naman may malaking salik ang pisikal na hitsura ng kababaihan sa paningin ng kalalakihan. Dahil dito, ang mga kababaihan ay hindi magkandaugaga sa pagpapaganda, pagpapakinis at pagpapaputi ng balat. Marami rin sa kanila ang nagpapadagdag ng boobs, nagpapaliposuction upang gumanda ang hugis ng katawan, nagpapatabas ng kasuotang pa'sexy' upang maging kanaisnais sa paningin ng kalalakihan.
Ganoon din sa mga kababaihan, naghahanap din sila ng nilalang na maiisurvive ang kanyang lahi ngunit may iba pang paunahing criteria ang hinahanap nila. Bukod sa paghahanap ng magandang punla, ang mga babae ay naghahanap ng 'good providers' upang mai-survive ang kanyang anak. Kaya naman, may malaking factor ang may kakayahang makapagdala ng kabuhayan sa kanya at kanyang supling, sabihin na nating naghahanap siya ng may 'good PESOnality' man. Noong sinaunang panahon, ang mga lalaking magaling mangaso ay higit na makisig sa paningin ng kababaihan.
Ngayon ang tanong, bakit mo ako sasaktan sa pagtingin sa isang babae? Bakit mo ako ikukulong sa paghahanap ko ng kaparehang maaring magpatuloy ng aking lahi? Bakit mo ako lalagyan ng label na 'manyak', gayong gumagawa lamang ako ng ocular inspection na unang hakbang sa pagsurvive ng aking species? Hindi ko naman hinahawakan 'yan, tingin pa lang.
Subscribe to:
Posts (Atom)