Sikat na naman si Manny Pacquiao, hindi sa nanalo na naman sa boksing kundi dahil sa pahayag niya sa isang panayam hinggil sa sa pananaw niya sa same-sex marriage. Naghimagsik ang mundo ng kabaklaan sa mga binitiwang salita ni Manny. Bugbog-sarado siya sa resbak na mga komento buhat sa mga bakla at tomboy o yung tinatawag na LGBT at mga tagasuporta nila. Tinawag kase niyang 'masahol pa sa hayop' ang mga taong nag-aasawa ng kaparehong kasarian. Ayon sa kanyang pahayag, walang hayop ang kumukuha ng kaparehong kasarian upang gawing kapareha. Mabuti pa raw ang mga hayop at alam ang dapat nilang kasamahin kaysa mga tao. Aniya, 'common sense lang 'yan'. Ngunit sa pahayag nyang ito, siya yata ang dapat magkaroon ng 'common sense'. Bago siguro buksan ang kanyang bunganga sa harap ng media, gumawa ng pagsasaliksik sa mga salitang babanggitin para hindi magmukhang engot.
Hindi ako 'bilib' sa pahayag ni Manny dahil sa mga sumusunod. Ang aking interpretasyon ay hindi alinman sa pro o against LGBT same-sex marriage. Pinagbasehan ko lamang ang kanyang pahayag at konteng buklat sa aklat upang i-analisa ang mga ito.
1. Mayroong MGA HAYOP NA BAKLA. Tinatayang 1500 species ng mga hayop ang nagkakaroon ng same-sex relationship. Marami sa mga ito ay karaniwang nakikita sa paligid lamang ng tahanan o yung tinatawag na domestic animals. Kaya mali ang kaalaman nya na hindi nangyayari sa mga hayop ang same-sex relationship.
2. Nanlahat sya ng tao na nakabase lamang naman ang kanyang pahayag sa kanyang alam na Abrahamic religion. Paano kung may ibang relihiyon na tanggap sa kanilang doktrina ang magsama ang magkapwa kasarian. Maaring may religion na may doktrina about same-sex marriage ay naaayon sa kanilang kasulatan kaya respeto lang sa ibang paniniwala. Kaya huwag, i-generalize na 'ang tao masahol pa sa hayop' kapag nakipagrelasyon sa kaparehong kasarian.
3. Nanahimik ang mga hayop, ikinumpara na naman sa tao. Hustisya para sa mga hayop na lagi na lamang batayan ng mga kagaguhan ng tao. Kung uso na ang internet noong panahon ng Espanyol, siguro ay kinuyog at na-bash rin ng mga Konyo at Jejemon si Jose Rizal sa kanyang pahayag na "ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Kasama na rin sigurong na-online bully sina Donya Theodora Alonzo, Paciano Rizal et.al.
Ang halos lahat ng mga bansa ay mayroon hiwalay na kapangyarihan ng estado at simbahan. Dahil sa panahon ngayon ay hindi maaaring gumawa ng batas na ang batayan lamang ay ang mga Kasulatang sinulat noon pang 2000-3000 years ago. Ang mga westernians na may nakararami ang Kristiyano pero may batas sila na umaayon sa same-sex marriage, dahil napag-alaman nila na ito ay mas umaaayon sa makataong pagkilala para sa lahat. Nagkataon lamang na sa Pinas ay walang nasusulat na batas na pwedeng ikasal ang parehong kasarian. Dahil marami pa rin ang hindi tanggap sa mata ng mga Pinoy ang ganoong gawain o kaya naman ay katulad lamang iyan ng diborsyo na kaimpokrituhang sinusunod ang nakasulat sa Bibliya. Ang LGBT ay nagtanong, "bakit ako nilikha ng Diyos ng ganito, walang idinesign sa akin upang ako'y maging maligaya, ano Sya selective lamang para sa kanyang nilalang, ang pagkuha ng gustong kapareha ay para lamang sa mga straight? o medyo naboring Sya noong tapos nang likhain lahat kaya napagtripang mag cross-hormone experiment sa tao na kamalas-malasan ay ako ang lumabas."
In my point of view, bakit sisikilin ang kaligayahan ng tao kung hindi naman sila nakakaagrabyado sa iba. Sinasabi ng ilan o karamihan na 'offended' sila sa pagsasagawa ng same-sex marriage. Sa mga Arab countries na legal ang mag-asawa ng maraming babae, may nagsasabi ba na 'offended ako dahil ako ay isang monogamous'. Kultura lamang iyan ng isang parte ng lipunan na mismong doon pa lamang sa pagtanggap sa pagkatao ng mga bakla at tomboy ay kinaaayawan na, iyon pa kayang same-sex marriage na sa isang banda ay hindi naman nila ginusto na maging ganoon ang kanilang pagkatao. Nararapat nang mamulat ang lahat sa bigotry na ito. Ang lahat ay may karapatang mamuhay ng maligaya nang hindi nagtatago sa dilim dahil sa pag-iwas sa pagkamuhi ng tao. Kung hindi naman nakakapanakit ng iba, may karapatang mabuhay ng malaya.
Ang blog na ito ay walang kinalaman kay Adan at Eva. Wala ring kinalaman kay Isaac Newton at mas lalong walang kinalaman kay Steve Job. Hindi rin ito konektado sa Twilight movie saga at maging kay Edu Mansanas. Nais lamang ng may akda na maglaro ng mga titik upang makapagbahagi ng mga 'ginintuang' tilamsik ng diwa.
Tuesday, February 23, 2016
Sunday, February 14, 2016
Hapi Balengtayms
Hapi balengtayms, ang sabi nung batang nagtitinda ng bulaklak sa kalye. Pambigay daw sa taong minamahal. Valentine's day sa ingles, sa tagalog ay 'Araw ng mga puso', hmmm.. an'labo naman. Kahit kailan talaga ang mga Pinoy ay hari ng kalabuan. Ngayong ika-14 ng Pebrero, ginugunita ang Valentine's day ng mga taong nagmamahal. Naglipana ang may bitbit na bulaklak, kulay pulang hugis pusong kahon ng tsokolate, hugis pusong lobo, mga imahe ni kupido (bakit imahe ni kupido? bakit hindi imahe ni St. Valentine?) Kumpara sa karaniwang araw, nagsisilabasan ang mga magsing-irog sa araw na ito kaya naman nagkalat ang mga lovebirds sa lansangan, kanya-kanyang kapareha ang makikita sa mga parke. Fully-booked din ang romantic dining restos at mga motel. Iyong mga low-budget, pwedeng mag-Hokage moves, pwede na sa Luneta, tabing lang, ok na. Mas nabubuhay din ang komersyalismo sa panahong ito. Malakas ang negosyo ng bulaklak, tsokolate, greeting cards, romantic stuffs, couple's garments and accessories, restos, motels, bars. Kaya naman sinasamantala rin ito ng mga negosyante para kumita. Subalit, sa sankakristyanuhang nagdiriwang, nalalaman kaya ang kasaysayan ng taong nasa likod ng okasyong ito? Inaalala ba ang kanyang ginawang martyrdom at kabanalan? O baka ang ginugunita lamang ay ang kahiwagaan ng kanilang puso at puson?
Sa mga lovebirds ngayon na gumugunita ng Valentine's day, pause muna kung anuman ginagawa sa oras na'to. Hayaan nyong ilahad ko ang kasaysayan ng Valentine's day. Nagsimula ito noong sibilisasyong Romano. Isang paganong padiriwang na kung tawagin ay 'Lupercalia' o 'fertility festival' na idinaraos tuwing kalagitnaan ng buwan ng Pebrero. Hindi kalaunan, ginawa itong Valentine's day sa karangalan ni St. Valentine upang ma-'christianized' ang naturang pagdiriwang. Ngunit hindi malinaw kung sinong St. Valentine ang iginugunita dahil may ilang santo na may pangalang Valentine. Ngunit ang pinakatumatak sa lahat ay iyong St. Valentine na ikinulong, pinahirapan at ipinapatay sa pagpugot ni Emperor Claudius II noong Pebrero 14, 269 AD na nagpatotoo kay Jesus Christ sa pamamagitan ng pagpapagaling sa bulag. Isa pang St. Valentine ang nakilala na binabali ang kautusang bawal ikasal ang mga lalaki. Itong mga lalaki diumano ay nararapat gawing mandirigmang kawal ni Emperor Claudius, hindi para mag-asawa. Katulad ng nauna, si St. Valentine na ito ay pinahirapan at pinugutan din. Makalipas ang ilang panahon, si Pope Gelatius ang nagdeklara ng Pebrero 14 bilang Valentine's day na may kaugnayan sa kababaan-loob at may malambot na puso sa paggunita at bigay karangalan kay St. Valentine. Ngunit noong 1300s lamang ito naiugnay sa pag-ibig at romansa ng mga magsing-irog at sa mga taong nagmamahal dahil na rin sa adbokasiya ni St. Valentine na may kaugnayan sa love and marriage. Naniniwala rin ang mga tao na ang kalagitnaan ng buwan ng Pebrero ay 'mating season' ng mga ibon. Buhat noon, naging tanyag na ang pagdiriwang ng Valentine's day na iniugnay sa puso at pag-ibig.
Subscribe to:
Posts (Atom)