Tuesday, February 23, 2016

Mga Hayop Na Bakla

Sikat na naman si Manny Pacquiao, hindi sa nanalo na naman sa boksing kundi dahil sa pahayag niya sa isang panayam hinggil sa sa pananaw niya sa same-sex marriage. Naghimagsik ang mundo ng kabaklaan sa mga binitiwang salita ni Manny. Bugbog-sarado siya sa resbak na mga komento buhat sa mga bakla at tomboy o yung tinatawag na LGBT at mga tagasuporta nila. Tinawag kase niyang 'masahol pa sa hayop' ang mga taong nag-aasawa ng kaparehong kasarian. Ayon sa kanyang pahayag, walang hayop ang kumukuha ng kaparehong kasarian upang gawing kapareha. Mabuti pa raw ang mga hayop at alam ang dapat nilang kasamahin kaysa mga tao. Aniya, 'common sense lang 'yan'. Ngunit sa pahayag nyang ito, siya yata ang dapat magkaroon ng 'common sense'. Bago siguro buksan ang kanyang bunganga sa harap ng media, gumawa ng pagsasaliksik sa mga salitang babanggitin para hindi magmukhang engot.


Hindi ako 'bilib' sa pahayag ni Manny dahil sa mga sumusunod. Ang aking interpretasyon ay hindi alinman sa pro o against LGBT same-sex marriage. Pinagbasehan ko lamang ang kanyang pahayag at konteng buklat sa aklat upang i-analisa ang mga ito.

1. Mayroong MGA HAYOP NA BAKLA. Tinatayang 1500 species ng mga hayop ang nagkakaroon ng same-sex relationship. Marami sa mga ito ay karaniwang nakikita sa paligid lamang ng tahanan o yung tinatawag na domestic animals. Kaya mali ang kaalaman nya na hindi nangyayari sa mga hayop ang same-sex relationship.

2. Nanlahat sya ng tao na nakabase lamang naman ang kanyang pahayag sa kanyang alam na Abrahamic religion. Paano kung may ibang relihiyon na tanggap sa kanilang doktrina ang magsama ang magkapwa kasarian. Maaring may religion na may doktrina about same-sex marriage ay naaayon sa kanilang kasulatan kaya respeto lang sa ibang paniniwala. Kaya huwag, i-generalize na 'ang tao masahol pa sa hayop' kapag nakipagrelasyon sa kaparehong kasarian.

3. Nanahimik ang mga hayop, ikinumpara na naman sa tao. Hustisya para sa mga hayop na lagi na lamang batayan ng mga kagaguhan ng tao. Kung uso na ang internet noong panahon ng Espanyol, siguro ay kinuyog at na-bash rin ng mga Konyo at Jejemon si Jose Rizal sa kanyang pahayag na "ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Kasama na rin sigurong na-online bully sina Donya Theodora Alonzo, Paciano Rizal et.al.

Ang halos lahat ng mga bansa ay mayroon hiwalay na kapangyarihan ng estado at simbahan. Dahil sa panahon ngayon ay hindi maaaring gumawa ng batas na ang batayan lamang ay ang mga Kasulatang sinulat noon pang 2000-3000 years ago. Ang mga westernians na may nakararami ang Kristiyano pero may batas sila na umaayon sa same-sex marriage, dahil napag-alaman nila na ito ay mas umaaayon sa makataong pagkilala para sa lahat.  Nagkataon lamang na sa Pinas ay walang nasusulat na batas na pwedeng ikasal ang parehong kasarian. Dahil marami pa rin ang hindi tanggap sa mata ng mga Pinoy ang ganoong gawain o kaya naman ay katulad lamang iyan ng diborsyo na kaimpokrituhang sinusunod ang nakasulat sa Bibliya. Ang LGBT ay nagtanong, "bakit ako nilikha ng Diyos ng ganito, walang idinesign sa akin upang ako'y maging maligaya, ano Sya selective lamang para sa kanyang nilalang, ang pagkuha ng gustong kapareha ay para lamang sa mga straight? o medyo naboring Sya noong tapos nang likhain lahat kaya napagtripang mag cross-hormone experiment sa tao na kamalas-malasan ay ako ang lumabas."

In my point of view, bakit sisikilin ang kaligayahan ng tao kung hindi naman sila nakakaagrabyado sa iba. Sinasabi ng ilan o karamihan na 'offended' sila sa pagsasagawa ng same-sex marriage.  Sa mga Arab countries na legal ang mag-asawa ng maraming babae, may nagsasabi ba na 'offended ako dahil ako ay isang monogamous'. Kultura lamang iyan ng isang parte ng lipunan na mismong doon pa lamang sa pagtanggap sa pagkatao ng mga bakla at tomboy ay kinaaayawan na, iyon pa kayang same-sex marriage na sa isang banda ay hindi naman nila ginusto na maging ganoon ang kanilang pagkatao. Nararapat nang mamulat ang lahat sa bigotry na ito. Ang lahat ay may karapatang mamuhay ng maligaya nang hindi nagtatago sa dilim dahil sa pag-iwas sa pagkamuhi ng tao. Kung hindi naman nakakapanakit ng iba, may karapatang mabuhay ng malaya.

2 comments:

  1. Nakakagrabyado ang same sex marriage. It is a mockery to those who hold some level of sanctity to the word. Hindi naman silang LGBT ang nagtatag ng orihinal na konsepto ng marriage, kundi mga matatandang relehiyon.So why mock marriage? Gaya gaya e di naman sumusunod sa defined requirements(e.g. pagtanggap ng lipunan, lalaki-babae lang)....Why not "en masse ( yung lahat silang LGBT ay itali na)" para mas malaya at mas feel nila ang kalayaan? Tingnan natin matanggap lalo ng lipunan at kung masasabatas yan.


    I say walang nag claim ng offensive fouls sa monogamists'/ polygamists' marriages dahil walang lehitimong foul at walang naramdamang foul ang mga nasa grupong ito sa isa't isa.

    Kung hindi nila MISMO gugustuhin ang kanilang pagkatao, sino pa naman ang makakagustong iba sa kanila?

    Sila ang dapat mamulat sa pagsunod sa mga restrictions ng lipunan para sa kaayusan. Kung gusto nila ng pagtanggap, dalawa ang pagpipilian ng mga indibidwal, sumunod sa batas o itago ang kagustuhan nilang ito.

    Ang mga restrictions ng batas at moralidad ay ang nagsasaayos ng ating mga sarili sa lipunan. Kung wala tayu niyan, masahol pa talaga sa hayup.

    ReplyDelete
  2. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    ReplyDelete