Ang multo raw ang ang kaluluwa ng tao na hindi pa 'umaakyat'. Karaniwan na rin sa kamalayan na kapag namatay ang isang
tao, humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawang lupa. Subalit ano nga ba ang
kaluluwa? Totoo ba ito o isa lamang produkto ng ating 'subconscious mind'. Kung pagbabatayan ang mga napapanood sa mga pelikula, nakaguhit
sa mga larawan, ito ay may transparent o semi-transparent na kaanyuan pero
‘glow in the dark’ na hawig din ng anyo ng katawan at karaniwan ay kung ano ang
hitsura ng sila’y namatay. Sa mga horror movies, ang mga ‘kaluluwang ligaw’ o
iyong hindi pa ‘umaakyat’ ay tinatawag na multo. Karaniwang nakabarong o
babaeng sumusuka ng dugo o babaeng nakaputing kamison na nakalugay ang mahabang
buhok sa bandang mukha o aninong nakikita sa sinag ng bintana o sa ilalim ng
kama. Hindi pahuhuli ang mga Pinoy sa paniniwala tungkol sa kaluluwa at multo,
kung saan halos ang bawat isa ay may kanya kanyang ‘multo’ story naganap sa
kanilang buhay. Sa aspeto ng pilosopiya at ng mga makata, ang ‘kaluluwa’ ay ang
pagkatao na kinapapalooban ng isip at dangal, as in, ‘puso’t kaluluwa’. ‘Ika ng
mga lovers, “…ibibigay ko sa’yo ang aking puso’t kaluluwa…”
Ating tingnan ang mas sistematikong paliwanag sa kaluluwa,
ayon sa dialectical materialism, ang kaluluwa ay ang consciousness
ng tao, ang produkto ng utak, ito ay ang ‘diwa’ o ‘ulirat’ sa tagalog. Ang
science ay hindi rin isinasaisang tabi ang pag-aaral tungkol sa ‘kaluluwa’ ng
mga namayapa. In physics, the law of conservation of energy states that energy
cannot created nor destroy. Ito ang aking pagbabasehan ng aking paliwanag dito.
Maaring ang kaluluwang tinatawag ay yung transformed energy na nangyayari kapag
namatay ang isang tao. Ang energy composition ng isang buhay na nilalang ay
nagbi-breakdown sa iba’t ibang uri ng energy kapag namatay. For example, ang
mga nabuhay na mga dinasaurs noon ay buhay pa rin hanggang ngayon sa ibang
kaanyuang enerhiya. Ang fossils na kanilang iniwan ay pangunahing sangkap sa
petrolyo, a form of energy. Maari rin naman na may iba pang consolidated atomic
energy particles na gumagala sa atmosphere na may kani-kanilang pagkakakilanlan
kung sino at anong uring nilalang, at ito marahil ang ‘kaluluwa’. Let’s say
Jose Rizal, ang kanyang kaluluwa ay nasa atmosphere o nasa kalawakan lang
ngayon, in the form of energy with certain patterns and identification.
Makikilala siya ng isa rin kaluluwa na may patterns and identification din pero
hindi na katulad ng pagkakakilanlan noong nabubuhay kung saan may pangalan at
physical features. It’s something like in the digital world, where identities
are determine in 1’s and 0’s, hexadecimals, etc. or maari rin, in the forms of
wave and vibrations. Ang kaisipang ito ay maaring isang pseudoscience lamang,
wala pa ring konkretong basehan at dala lang ng aking malikot na imahinasyon.
Pero sa palagay ko, ito ay mas malapit sa katotohanan kaysa ibang paliwanag at
paglalarawan dito. Kung ang teoryang ito ay totoo, kailangang makaimbento ng
specialized modem or decoder upang makilala at magkaroon ng interaction sa
isang kaluluwa. Pero sa ngayon, isang crystal ball or spirit of the glass lang
ni Aling Tinay ay nagkakaigi na, pwede nang makachat ang kaluluwa ng namayapa,
walang binatbat ang skype at yahoo messenger.