Sunday, October 25, 2015

Overrated Puso

Sa araw araw kong naka-tune-in sa radio, pakikinig sa player, hundreds, thousands of songs, napansin ko lang, halos lahat ng lovesongs ay may lyrics na "puso", o "heart". Bakit ang mga lyricists, compositors ay hindi makagawa ng love song na walang salitang "puso, o "heart" na inirerekado sa kanilang komposisyon. Kumbaga, para itong asin na kasahog sa lahat nang lutuin.



Bakit ang heart laging naka-associate sa love? Marami nang tula, kanta at mga istorya ang naisulat patungkol sa hiwaga ng pag-ibig na nagmula diumano sa puso, na ang dahilan diumano ay puso.Heart is the symbol of love? Bakit nga kaya?

Anatomycally, wala namang kinalaman ang puso sa pagiging in-love ng isang tao. Ang brain pa rin ang dahilan ng pagiging inlove ng isang tao (the accumulation of oxytocin and dopamine in the brain).

Ang nararamdamang "chuvachuchu" at kabog sa  puso ay epekto na lamang ng signals na galing sa utak. Ito'y tulad lamang sa pagbilis ng paghinga na epekto sa baga, pagkabulol na epekto sa dila, pagiging pinkist or blush na epekto sa balat at nerves, at marami pang iba.
Kung ganun naman pala, bakit kaya heart lamang ang laging bida sa lahat ng usapin tungkol sa pag-ibig? Nariyan pa rin naman ang lungs, gall bladder, tongue, skin, etc.

Kaya naman inaabangan ko, and I challenge everyone na gumawa ng komposisyon which pay tribute to other affected organs kapag in love ang isang tao. For the start, here's some hints.. Straight from the "Lung",..Itanong mo sa "Pantog" ko... You Took My "Pores" Away...


No comments:

Post a Comment