Saturday, October 31, 2015

Maniwala ka sa Multo

Noong bata ako, kadalasang panakot ng matatanda sa akin kapag pumupunta sa isang lugar na ayaw nila akong papuntahin, "hala ka, may MULTO D'YAN!". Bilang isang musmos, hindi ko mawari kong ano ba iyong multo na laging bukambibig na panakot (hindi lamang para sa mga bata, kundi pati na rin sa matatanda). Siguro nama'y lahat ay nakaka-relate sa aking sinasabi, nauuna ang pananakot gamit ang salitang 'multo' na kahit hindi naiintindihan ng tinatakot. Nagiging interpretasyon ko noon sa salitang multo ay ang mga bagay na naroon  o lugar kung saan nakita raw ang multo tulad ng banga, banyo, kalan, etc. Kaya noo'y takot akong lumapit sa mga bagay na'to dahil sabi ng mga nakakatandang kasama ko noon, nananakal daw ang multo. Saka na lamang malalaman kung ano ba talaga ang 'multo' na sinasabi na 'yan kapag nakapanood na ng 'shake, rattle, and roll anthology' sa sine, ngunit mas lalong naging komplikado dahil sa samo't saring paglalarawan at interpretasyon sa multo ng mga episodes ng pelikulang ito. Sa pangkalahatang paglalarawan ng mga pelikulang horror, ito'y tumutugma sa sinasabi ng matatanda, nananakit nga ang mga multo. Ganun ba talaga yun?


Ang multo raw ang ang kaluluwa ng tao na hindi pa 'umaakyat'. Karaniwan na rin sa kamalayan na kapag namatay ang isang tao, humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawang lupa. Subalit ano nga ba ang kaluluwa?  Totoo ba ito o isa lamang produkto ng ating 'subconscious mind'. Kung pagbabatayan ang mga napapanood sa mga pelikula, nakaguhit sa mga larawan, ito ay may transparent o semi-transparent na kaanyuan pero ‘glow in the dark’ na hawig din ng anyo ng katawan at karaniwan ay kung ano ang hitsura ng sila’y namatay. Sa mga horror movies, ang mga ‘kaluluwang ligaw’ o iyong hindi pa ‘umaakyat’ ay tinatawag na multo. Karaniwang nakabarong o babaeng sumusuka ng dugo o babaeng nakaputing kamison na nakalugay ang mahabang buhok sa bandang mukha o aninong nakikita sa sinag ng bintana o sa ilalim ng kama. Hindi pahuhuli ang mga Pinoy sa paniniwala tungkol sa kaluluwa at multo, kung saan halos ang bawat isa ay may kanya kanyang ‘multo’ story naganap sa kanilang buhay. Sa aspeto ng pilosopiya at ng mga makata, ang ‘kaluluwa’ ay ang pagkatao na kinapapalooban ng isip at dangal, as in, ‘puso’t kaluluwa’. ‘Ika ng mga lovers, “…ibibigay ko sa’yo ang aking puso’t kaluluwa…”

Ating tingnan ang mas sistematikong paliwanag sa kaluluwa,  ayon  sa dialectical materialism, ang kaluluwa ay ang consciousness ng tao, ang produkto ng utak, ito ay ang ‘diwa’ o ‘ulirat’ sa tagalog. Ang science ay hindi rin isinasaisang tabi ang pag-aaral tungkol sa ‘kaluluwa’ ng mga namayapa. In physics, the law of conservation of energy states that energy cannot created nor destroy. Ito ang aking pagbabasehan ng aking paliwanag dito. Maaring ang kaluluwang tinatawag ay yung transformed energy na nangyayari kapag namatay ang isang tao. Ang energy composition ng isang buhay na nilalang ay nagbi-breakdown sa iba’t ibang uri ng energy kapag namatay. For example, ang mga nabuhay na mga dinasaurs noon ay buhay pa rin hanggang ngayon sa ibang kaanyuang enerhiya. Ang fossils na kanilang iniwan ay pangunahing sangkap sa petrolyo, a form of energy. Maari rin naman na may iba pang consolidated atomic energy particles na gumagala sa atmosphere na may kani-kanilang pagkakakilanlan kung sino at anong uring nilalang, at ito marahil ang ‘kaluluwa’. Let’s say Jose Rizal, ang kanyang kaluluwa ay nasa atmosphere o nasa kalawakan lang ngayon, in the form of energy with certain patterns and identification. Makikilala siya ng isa rin kaluluwa na may patterns and identification din pero hindi na katulad ng pagkakakilanlan noong nabubuhay kung saan may pangalan at physical features. It’s something like in the digital world, where identities are determine in 1’s and 0’s, hexadecimals, etc. or maari rin, in the forms of wave and vibrations. Ang kaisipang ito ay maaring isang pseudoscience lamang, wala pa ring konkretong basehan at dala lang ng aking malikot na imahinasyon. Pero sa palagay ko, ito ay mas malapit sa katotohanan kaysa ibang paliwanag at paglalarawan dito. Kung ang teoryang ito ay totoo, kailangang makaimbento ng specialized modem or decoder upang makilala at magkaroon ng interaction sa isang kaluluwa. Pero sa ngayon, isang crystal ball or spirit of the glass lang ni Aling Tinay ay nagkakaigi na, pwede nang makachat ang kaluluwa ng namayapa, walang binatbat ang skype at yahoo messenger.


Happy Halloween!

No comments:

Post a Comment