Maraming love birds ang nagpapalitan ng matatamis na salita na hindi naman naiintindihan kung ano ba talaga ang nakapaloob sa salitang binabanggit. Naglipana sa text, fb at twitter ang mga salitang ito na nagpapahiwatig diumano ng wagas at pangmatagalang estado ng pagmamahal sa isang taong pinatutungkulan nito. Halimbawa ang gasgas na ipinapahayag ng mga magsing-irog ang katagang 'i love you to the moon and back'. Gaano ba ito katibay upang ito ay pagbasehan ng pagmamahalan? Malayo sa kalaliman ang idyomang ito sa isa pang palasak na kasabihang 'suntok sa buwan' na nangangahulugan ng malabong mangyari ang isang bagay. Pwera na lang kung ikaw si Lastikman na kayang pahabain ang kamao o kaya naman ay pupunta sa buwan para bigyan ng isang punch ang isang punso doon.
Ating suriin ang katagang 'i love you to the moon and back'. Gamitan natin ng konteng aritmetik at science na natutunan noong elementary grade.
Ang layo ng buwan sa mundo ay 384400 km. Kung lakbayin din lamang ang panuntunan, tunghayan ang aking analisasyon tungkol dito. Umpisahan atin sa basic mobilization of man, ang paglalakad. Ang paglalakad ay may average speed of 5 kmph. Ayon sa aking 'talapindutan ng mga bilang', sa loob ng 22 years, tapos na ang roundtrip sa buwan. Pero in fairness, 22 years na 'yan. Hindi na masama sa magsing-irog, at least tatagal sila ng 22 years. Eto yung tipong katulad ng relasyon ng dating mag-asawang Morgan Freeman at Myrna Colley . Kung gagamit naman ang bilis ng kotse na may average speed na 120 kmph, 270 araw lang nakauwi ka na ulit sa bahay mo. Ito yung relasyon ng mga feeling celebrities, mga 6 months to 1 year relationship. Kung sasakyan naman ay ang katulad ng Apollo 11 spaceshuttle, 7-8 araw lamang ang isang balikang paglalakbay sa buwan na katulad ng ginawa nina Neil Armstrong et.al. Ibig sabihin, isang linggong pag-ibig lamang 'yan at tapos na ang 'to the moon and back' na sinasabi.
Walang 'forever' sa kasabihan na 'yan kaya 'wag masyadong magpabola sa katagang akala mo'y napakatamis. Parang 'juicy fruit' lang 'yan, matamis lamang sa una, pag tumagal ay para nang ngumunguya ng goma.
No comments:
Post a Comment