Tuesday, September 1, 2015

Kapag Natapos ang Setyembre

Kapag dumarating ang buwan ng Setyembre, hindi nawawala ang umi-emo at kumakanta ng "summer has come and passed, the innocent can never last, wake me up when September end..." Ang kantang ito ay isang sentimyento ng composer (Billy Armstrong) sa pagpanaw ng kanyang ama ng buwan ng Setyembre. Sa murang edad at dalang pighati ng panahon iyon, naging matamlay siya at nagkukulong sa kanyang kwarto. Nang minsang tinawag siya ng kanyang ina, itinugon nya na 'wake me up when September end'.


Umere ang MTV ng kanta, ngunit sa halip na pagdadalamhati sa ama, nakatuon ang tema sa magkasintahang pinaghiwalay ng tawag ng tungkulin sa bayan. Pinili ni lalaki ang sumanib sa pwersang militar upang bigyang katarungan ang 'September 11 attack' sa World Trade Center ng United States. At doo'y, naghihintay si babae ng pagtatapos ng pangamba at pangungulila na dala ng buwan ng September.

No comments:

Post a Comment