Friday, September 11, 2015

Kanta Ko 'Yan

Si Jovit Baldevino ay tinawag na 'walang respeto' ni Wency Cornejo sa kanyang facebook post noong Martes. Kinanta diumano ni Jovit ang sikat na kantang 'Pusong Bato' sa isang konsyerto sa Gensan. Wala sanang problema rito, ang kaso kasama rin nila sa konsyertong iyon ang orihinal na kompositor at umawit ng kanta na si Renee de la Rosa. Inunahan nitong si Jovit si Renee sa pag-awit, kaya nagmukhang nga-nga ang huli sa pagtatanghal.


Isa lamang ang pamosong awiting ito na muli o mas sumikat ng i-revive ang kanta. Narito ng ilan pang awitin na muling binigyang buhay ng mga mang-aawit. Ang 'Paano' ng Shamrock ay unang katha ng Apo Hiking Society ay ilang linggong hit sa ere. Ang mga katha ni Rey Valera tulad ng 'Maging Sino Ka Man', 'Kahit Maputi na Ang Buhok Ko', 'Tayong Dalawa', 'Kung Tayo'y Magkakalayo' at marami pa ay lintek gahasain ni Sharon Cuneta. Ang komposisyon ni Lolita Carbon na 'Ang Pagbabalik' ay muling inihirit ng Aegis. Ang kantang 'Sana Maulit Muli' ni Gary V. ay talaga namang inulit-ulit muli nina Kyla at Regine Velasquez. Ang aking kinakanta kantang 'eh key beles nemeng meglehe ng peg-ebeg me sente, deeg me pe eng eseng kesepmete...' ni Deniel Pedella ay orihinal na gawa ng Rivermaya. Aba may talent nga itong si Deniel Pedilla, kung ang mga sikat na rock ballad na kanta ay kinukuha sa 'E minor' key, ang mga bersyon n'ya ay kinukuha lahat sa 'E vowel' key. Mantakin mo 'yun, bibihira ang gumawa nun at nag platinum record sale pa. Hays, kailangan na talagang linisin ang luga sa teynga ng henerasyon ngayon.

Ang panahon ngayon ng OPM ay bibihira na ang totoong musikero. Ang mga singers ay umaasa na lamang sa katha ng iba. Nabobo na sa paglikha ng tunog at komposisyon, maging pagsulat ng sariling lyrics. Kumbaga, ready-made na at isusubo na lamang. Kaya hiling lamang sa mga hari ng revivals, respeto sa orihinal na artists. Hindi man sila kasinsikat, anuman ang mangyari, vow your head and give way to them no matter what.


No comments:

Post a Comment