Lagi kong naririnig noong bata ako sa mga
maglalasing sa amin, "ibili mo nga ako ang markang demonyo".
Tinutukoy nila ang pinakapopular na alak sa Pilipinas maging sa ilang parte ng
mundo na gin. Bilang bata, curious ako kung bakit markang demonyo ang tawag sa
gin (actually Ginebra San Miguel ang brand nito). Habang tumatagal, nagkaroon
ako ng sariling pakahulugan kung bakit markang demonyo ang tawag sa inuming iyon na
kapag nakakainom ay parang mga sinasapian ng demonyo, tulad ng mga nagrarambo,
naghahamon ng away na parang si incredible hulk, at nagwawasang sa bahay at nililigalig ang pamilya.
'Yun naman pala! Pero di alam ng mga lasenggo yan, ang alam lang ng mga 'yun ay ang ubusin ang laman ng bote na yan. Tanungin mo sila 'pag lasheng na at ang isasagot ng mga yan "...kingina, 'di na importante 'yan pare...ang importante ay yung laman ng bote...obra ni nardong putik 'yan pare...tama na ang kwento, tagay nah, hik!"
No comments:
Post a Comment