Maraming love birds ang nagpapalitan ng matatamis na salita na hindi naman naiintindihan kung ano ba talaga ang nakapaloob sa salitang binabanggit. Naglipana sa text, fb at twitter ang mga salitang ito na nagpapahiwatig diumano ng wagas at pangmatagalang estado ng pagmamahal sa isang taong pinatutungkulan nito. Halimbawa ang gasgas na ipinapahayag ng mga magsing-irog ang katagang 'i love you to the moon and back'. Gaano ba ito katibay upang ito ay pagbasehan ng pagmamahalan? Malayo sa kalaliman ang idyomang ito sa isa pang palasak na kasabihang 'suntok sa buwan' na nangangahulugan ng malabong mangyari ang isang bagay. Pwera na lang kung ikaw si Lastikman na kayang pahabain ang kamao o kaya naman ay pupunta sa buwan para bigyan ng isang punch ang isang punso doon.
Ating suriin ang katagang 'i love you to the moon and back'. Gamitan natin ng konteng aritmetik at science na natutunan noong elementary grade.
Ang layo ng buwan sa mundo ay 384400 km. Kung lakbayin din lamang ang panuntunan, tunghayan ang aking analisasyon tungkol dito. Umpisahan atin sa basic mobilization of man, ang paglalakad. Ang paglalakad ay may average speed of 5 kmph. Ayon sa aking 'talapindutan ng mga bilang', sa loob ng 22 years, tapos na ang roundtrip sa buwan. Pero in fairness, 22 years na 'yan. Hindi na masama sa magsing-irog, at least tatagal sila ng 22 years. Eto yung tipong katulad ng relasyon ng dating mag-asawang Morgan Freeman at Myrna Colley . Kung gagamit naman ang bilis ng kotse na may average speed na 120 kmph, 270 araw lang nakauwi ka na ulit sa bahay mo. Ito yung relasyon ng mga feeling celebrities, mga 6 months to 1 year relationship. Kung sasakyan naman ay ang katulad ng Apollo 11 spaceshuttle, 7-8 araw lamang ang isang balikang paglalakbay sa buwan na katulad ng ginawa nina Neil Armstrong et.al. Ibig sabihin, isang linggong pag-ibig lamang 'yan at tapos na ang 'to the moon and back' na sinasabi.
Walang 'forever' sa kasabihan na 'yan kaya 'wag masyadong magpabola sa katagang akala mo'y napakatamis. Parang 'juicy fruit' lang 'yan, matamis lamang sa una, pag tumagal ay para nang ngumunguya ng goma.
Ang blog na ito ay walang kinalaman kay Adan at Eva. Wala ring kinalaman kay Isaac Newton at mas lalong walang kinalaman kay Steve Job. Hindi rin ito konektado sa Twilight movie saga at maging kay Edu Mansanas. Nais lamang ng may akda na maglaro ng mga titik upang makapagbahagi ng mga 'ginintuang' tilamsik ng diwa.
Friday, September 18, 2015
Friday, September 11, 2015
Kanta Ko 'Yan
Si Jovit Baldevino ay tinawag na 'walang respeto' ni Wency Cornejo sa kanyang facebook post noong Martes. Kinanta diumano ni Jovit ang sikat na kantang 'Pusong Bato' sa isang konsyerto sa Gensan. Wala sanang problema rito, ang kaso kasama rin nila sa konsyertong iyon ang orihinal na kompositor at umawit ng kanta na si Renee de la Rosa. Inunahan nitong si Jovit si Renee sa pag-awit, kaya nagmukhang nga-nga ang huli sa pagtatanghal.
Isa lamang ang pamosong awiting ito na muli o mas sumikat ng i-revive ang kanta. Narito ng ilan pang awitin na muling binigyang buhay ng mga mang-aawit. Ang 'Paano' ng Shamrock ay unang katha ng Apo Hiking Society ay ilang linggong hit sa ere. Ang mga katha ni Rey Valera tulad ng 'Maging Sino Ka Man', 'Kahit Maputi na Ang Buhok Ko', 'Tayong Dalawa', 'Kung Tayo'y Magkakalayo' at marami pa ay lintek gahasain ni Sharon Cuneta. Ang komposisyon ni Lolita Carbon na 'Ang Pagbabalik' ay muling inihirit ng Aegis. Ang kantang 'Sana Maulit Muli' ni Gary V. ay talaga namang inulit-ulit muli nina Kyla at Regine Velasquez. Ang aking kinakanta kantang 'eh key beles nemeng meglehe ng peg-ebeg me sente, deeg me pe eng eseng kesepmete...' ni Deniel Pedella ay orihinal na gawa ng Rivermaya. Aba may talent nga itong si Deniel Pedilla, kung ang mga sikat na rock ballad na kanta ay kinukuha sa 'E minor' key, ang mga bersyon n'ya ay kinukuha lahat sa 'E vowel' key. Mantakin mo 'yun, bibihira ang gumawa nun at nag platinum record sale pa. Hays, kailangan na talagang linisin ang luga sa teynga ng henerasyon ngayon.
Ang panahon ngayon ng OPM ay bibihira na ang totoong musikero. Ang mga singers ay umaasa na lamang sa katha ng iba. Nabobo na sa paglikha ng tunog at komposisyon, maging pagsulat ng sariling lyrics. Kumbaga, ready-made na at isusubo na lamang. Kaya hiling lamang sa mga hari ng revivals, respeto sa orihinal na artists. Hindi man sila kasinsikat, anuman ang mangyari, vow your head and give way to them no matter what.

Tuesday, September 1, 2015
Kapag Natapos ang Setyembre
Kapag dumarating ang buwan ng Setyembre, hindi nawawala ang
umi-emo at kumakanta ng "summer has come and passed, the innocent can
never last, wake me up when September end..." Ang kantang ito ay isang
sentimyento ng composer (Billy Armstrong) sa pagpanaw ng kanyang ama ng buwan
ng Setyembre. Sa murang edad at dalang pighati ng panahon iyon, naging matamlay
siya at nagkukulong sa kanyang kwarto. Nang minsang tinawag siya ng kanyang
ina, itinugon nya na 'wake me up when September end'.
Umere ang MTV ng
kanta, ngunit sa halip na pagdadalamhati sa ama, nakatuon ang tema sa
magkasintahang pinaghiwalay ng tawag ng tungkulin sa bayan. Pinili ni lalaki
ang sumanib sa pwersang militar upang bigyang katarungan ang 'September 11
attack' sa World Trade Center ng United States. At doo'y, naghihintay si babae
ng pagtatapos ng pangamba at pangungulila na dala ng buwan ng September.
Subscribe to:
Posts (Atom)