Pasko na bukas. Ngayong araw ay abala na si Santa Claus para magbahay-bahay upang maghatid ng regalo at aginaldo sa mga bata (maging sa matatanda). Kailangan niyang daanan ang bawat bahay na may mababait na bata na nagsabit na medyas o boots na nakalagay sa bintana. Kaya abangan ang kanyang nakakamanghang pagdaan 'across the moonbeam' na nakasakay sa paragos na hinihila ng pitong usa. Kailangan niyang baliin ang ilang batas ng pisika upang gampanan ang naturang trabaho. Ating tunghayan ang aking pag-aanalisa sa bagay na isa sa sumisimbolo sa kaarawan ng pasko, Santa Claus at ang paglalakbay mula sa north pole. Ang siyensya ng paglalakbay ni Santa claus.
May tinatayang dalawang libong bata sa buong mundo (edad 18 pababa), i-minus na ang mga batang Muslim, Hindu, Jew, at Buddish
Ang blog na ito ay walang kinalaman kay Adan at Eva. Wala ring kinalaman kay Isaac Newton at mas lalong walang kinalaman kay Steve Job. Hindi rin ito konektado sa Twilight movie saga at maging kay Edu Mansanas. Nais lamang ng may akda na maglaro ng mga titik upang makapagbahagi ng mga 'ginintuang' tilamsik ng diwa.
Thursday, December 24, 2015
Saturday, December 12, 2015
Type 'Amen'
"Don't scroll down without typing Amen" I-type ko raw ang 'Amen' sa comment ng mga larawan ng batang malnuris na namamalimos na nakahiga sa kalye, sa larawan ng taong may malubhang karamdaman, sa larawan ng biktima ng karumal-dumal na krimen. Ayon sa google 'Amen' - 'so be it', sa Merriam-Webster - 'used to express agreement or approval'. Ibig bang sabihin, 'in misery and agony' - 'so be it'?
Monday, November 30, 2015
Hindi Marunong sa Kompyuter
Heto na nga, panahon na raw ng computer age. Ang halos lahat ng paggalaw ng tao ay kasa-kasama ang computer sa aspeto ng buhay. Sa panahon ngayon, sinasabing kapag hindi ka marunong magkompyuter, malaking bahagi ng buhay mo ang nawala. Halos lahat ng propesyon at trabaho ay gumagamit na ang kompyuter. Buhat sa pagsulat ng resume (ito ang tawag kapag computerized, biodata naman kapag yung form na binili sa kanto at handwritten,hehe) kailangang digitally printed na at dapat may nakaattach na pinotoshop na litrato.
Ngunit gaano man ako karunong sa computer, bakit kailangan kong itago ito sa ilang tao na walang alam o tamad mag-aral ng computer.
to be continue...
Ngunit gaano man ako karunong sa computer, bakit kailangan kong itago ito sa ilang tao na walang alam o tamad mag-aral ng computer.
to be continue...
Sunday, November 29, 2015
Manyak Daw
Sa mundo naming kalalakihan, ang pagtingin sa mga babae pagdating sa katangiang pisikal, mas unang napapansin ang kurbada ng katawan kaysa mukha. Kapag may dumadaang seksing babae sa harapan, hindi maiaalis ang mapatingin at habulin ng tingin ang kanilang kurbada ng katawan. Pasimpleng tinititigan ang kanilang boobs, pwet at balakang na hinahabol pa ng tingin hanggang sa paglayo. Sa mundong ating ginagalawan, itinuturing ang mga itong makamundong pagnanasa, kamanyakan, manyakis. Isang negatibong katawagan sa isang taong sumusunod lamang sa kalikasan ng pagiging isang nilalang. Sa mga bansang Arabo lalo na sa Saudi Arabia, to the highest level ang pagkondena sa kondisyong ito. Mababa na ang mag-asawang sampal ang aabutin mo kapag nahuli kang nakatitig sa babae o sa katawan ng babae, and worst, pagkakulong na may kasama pang paglatigo.
Ang mga lalake ay naghahanap ng pinakamainam na kapareha na makapagpapatuloy ng kanyang lahi. Pinipili niya ang babaeng may mas malalaki ang boobs dahil ito ay may 'ideal size' ng mammary gland na makakapagbigay ng sapat na gatas para sa ikabubuhay ng kanyang anak, may perpektong hugis ng pwet at balakang upang maging matiwasay at may kakayahang dalhin at iluwal ang kanyang anak. Sa madali't sabi, by instinct, ang mga lalaki ay naghahanap ng ideal species na makakapagdala ng may kahusayan ng kanyang punla at naaangkop na mapupunlaan. Kaya naman may malaking salik ang pisikal na hitsura ng kababaihan sa paningin ng kalalakihan. Dahil dito, ang mga kababaihan ay hindi magkandaugaga sa pagpapaganda, pagpapakinis at pagpapaputi ng balat. Marami rin sa kanila ang nagpapadagdag ng boobs, nagpapaliposuction upang gumanda ang hugis ng katawan, nagpapatabas ng kasuotang pa'sexy' upang maging kanaisnais sa paningin ng kalalakihan.
Ganoon din sa mga kababaihan, naghahanap din sila ng nilalang na maiisurvive ang kanyang lahi ngunit may iba pang paunahing criteria ang hinahanap nila. Bukod sa paghahanap ng magandang punla, ang mga babae ay naghahanap ng 'good providers' upang mai-survive ang kanyang anak. Kaya naman, may malaking factor ang may kakayahang makapagdala ng kabuhayan sa kanya at kanyang supling, sabihin na nating naghahanap siya ng may 'good PESOnality' man. Noong sinaunang panahon, ang mga lalaking magaling mangaso ay higit na makisig sa paningin ng kababaihan.
Ngayon ang tanong, bakit mo ako sasaktan sa pagtingin sa isang babae? Bakit mo ako ikukulong sa paghahanap ko ng kaparehang maaring magpatuloy ng aking lahi? Bakit mo ako lalagyan ng label na 'manyak', gayong gumagawa lamang ako ng ocular inspection na unang hakbang sa pagsurvive ng aking species? Hindi ko naman hinahawakan 'yan, tingin pa lang.
Aking sinaliksik ang ugat ng kondisyong ito ngunit sa aking paggagalugad gamit ang Google tungkol sa pagtingin ng mga kalalakihan sa boobs and butts, sangkaterbang porn sites ang mga nangungunang links ang itinambad sa akin. Sa matiyagang pagsasaliksik, napadako ako sa isang site na nagbigay sa akin ng idea sa bagay na ito. Sa mas malalim na paliwanag ng siyensya, ito pala ay may kinalaman sa psychology and evolution of man. As in, psychology as Sigmud Freud and evolution as Charles Darwin.
Ang mga lalake ay naghahanap ng pinakamainam na kapareha na makapagpapatuloy ng kanyang lahi. Pinipili niya ang babaeng may mas malalaki ang boobs dahil ito ay may 'ideal size' ng mammary gland na makakapagbigay ng sapat na gatas para sa ikabubuhay ng kanyang anak, may perpektong hugis ng pwet at balakang upang maging matiwasay at may kakayahang dalhin at iluwal ang kanyang anak. Sa madali't sabi, by instinct, ang mga lalaki ay naghahanap ng ideal species na makakapagdala ng may kahusayan ng kanyang punla at naaangkop na mapupunlaan. Kaya naman may malaking salik ang pisikal na hitsura ng kababaihan sa paningin ng kalalakihan. Dahil dito, ang mga kababaihan ay hindi magkandaugaga sa pagpapaganda, pagpapakinis at pagpapaputi ng balat. Marami rin sa kanila ang nagpapadagdag ng boobs, nagpapaliposuction upang gumanda ang hugis ng katawan, nagpapatabas ng kasuotang pa'sexy' upang maging kanaisnais sa paningin ng kalalakihan.
Ganoon din sa mga kababaihan, naghahanap din sila ng nilalang na maiisurvive ang kanyang lahi ngunit may iba pang paunahing criteria ang hinahanap nila. Bukod sa paghahanap ng magandang punla, ang mga babae ay naghahanap ng 'good providers' upang mai-survive ang kanyang anak. Kaya naman, may malaking factor ang may kakayahang makapagdala ng kabuhayan sa kanya at kanyang supling, sabihin na nating naghahanap siya ng may 'good PESOnality' man. Noong sinaunang panahon, ang mga lalaking magaling mangaso ay higit na makisig sa paningin ng kababaihan.
Ngayon ang tanong, bakit mo ako sasaktan sa pagtingin sa isang babae? Bakit mo ako ikukulong sa paghahanap ko ng kaparehang maaring magpatuloy ng aking lahi? Bakit mo ako lalagyan ng label na 'manyak', gayong gumagawa lamang ako ng ocular inspection na unang hakbang sa pagsurvive ng aking species? Hindi ko naman hinahawakan 'yan, tingin pa lang.
Saturday, October 31, 2015
Maniwala ka sa Multo
Noong bata ako, kadalasang panakot ng matatanda sa akin kapag pumupunta sa isang lugar na ayaw nila akong papuntahin, "hala ka, may MULTO D'YAN!". Bilang isang musmos, hindi ko mawari kong ano ba iyong multo na laging bukambibig na panakot (hindi lamang para sa mga bata, kundi pati na rin sa matatanda). Siguro nama'y lahat ay nakaka-relate sa aking sinasabi, nauuna ang pananakot gamit ang salitang 'multo' na kahit hindi naiintindihan ng tinatakot. Nagiging interpretasyon ko noon sa salitang multo ay ang mga bagay na naroon o lugar kung saan nakita raw ang multo tulad ng banga, banyo, kalan, etc. Kaya noo'y takot akong lumapit sa mga bagay na'to dahil sabi ng mga nakakatandang kasama ko noon, nananakal daw ang multo. Saka na lamang malalaman kung ano ba talaga ang 'multo' na sinasabi na 'yan kapag nakapanood na ng 'shake, rattle, and roll anthology' sa sine, ngunit mas lalong naging komplikado dahil sa samo't saring paglalarawan at interpretasyon sa multo ng mga episodes ng pelikulang ito. Sa pangkalahatang paglalarawan ng mga pelikulang horror, ito'y tumutugma sa sinasabi ng matatanda, nananakit nga ang mga multo. Ganun ba talaga yun?
Happy Halloween!
Ang multo raw ang ang kaluluwa ng tao na hindi pa 'umaakyat'. Karaniwan na rin sa kamalayan na kapag namatay ang isang
tao, humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawang lupa. Subalit ano nga ba ang
kaluluwa? Totoo ba ito o isa lamang produkto ng ating 'subconscious mind'. Kung pagbabatayan ang mga napapanood sa mga pelikula, nakaguhit
sa mga larawan, ito ay may transparent o semi-transparent na kaanyuan pero
‘glow in the dark’ na hawig din ng anyo ng katawan at karaniwan ay kung ano ang
hitsura ng sila’y namatay. Sa mga horror movies, ang mga ‘kaluluwang ligaw’ o
iyong hindi pa ‘umaakyat’ ay tinatawag na multo. Karaniwang nakabarong o
babaeng sumusuka ng dugo o babaeng nakaputing kamison na nakalugay ang mahabang
buhok sa bandang mukha o aninong nakikita sa sinag ng bintana o sa ilalim ng
kama. Hindi pahuhuli ang mga Pinoy sa paniniwala tungkol sa kaluluwa at multo,
kung saan halos ang bawat isa ay may kanya kanyang ‘multo’ story naganap sa
kanilang buhay. Sa aspeto ng pilosopiya at ng mga makata, ang ‘kaluluwa’ ay ang
pagkatao na kinapapalooban ng isip at dangal, as in, ‘puso’t kaluluwa’. ‘Ika ng
mga lovers, “…ibibigay ko sa’yo ang aking puso’t kaluluwa…”
Ating tingnan ang mas sistematikong paliwanag sa kaluluwa,
ayon sa dialectical materialism, ang kaluluwa ay ang consciousness
ng tao, ang produkto ng utak, ito ay ang ‘diwa’ o ‘ulirat’ sa tagalog. Ang
science ay hindi rin isinasaisang tabi ang pag-aaral tungkol sa ‘kaluluwa’ ng
mga namayapa. In physics, the law of conservation of energy states that energy
cannot created nor destroy. Ito ang aking pagbabasehan ng aking paliwanag dito.
Maaring ang kaluluwang tinatawag ay yung transformed energy na nangyayari kapag
namatay ang isang tao. Ang energy composition ng isang buhay na nilalang ay
nagbi-breakdown sa iba’t ibang uri ng energy kapag namatay. For example, ang
mga nabuhay na mga dinasaurs noon ay buhay pa rin hanggang ngayon sa ibang
kaanyuang enerhiya. Ang fossils na kanilang iniwan ay pangunahing sangkap sa
petrolyo, a form of energy. Maari rin naman na may iba pang consolidated atomic
energy particles na gumagala sa atmosphere na may kani-kanilang pagkakakilanlan
kung sino at anong uring nilalang, at ito marahil ang ‘kaluluwa’. Let’s say
Jose Rizal, ang kanyang kaluluwa ay nasa atmosphere o nasa kalawakan lang
ngayon, in the form of energy with certain patterns and identification.
Makikilala siya ng isa rin kaluluwa na may patterns and identification din pero
hindi na katulad ng pagkakakilanlan noong nabubuhay kung saan may pangalan at
physical features. It’s something like in the digital world, where identities
are determine in 1’s and 0’s, hexadecimals, etc. or maari rin, in the forms of
wave and vibrations. Ang kaisipang ito ay maaring isang pseudoscience lamang,
wala pa ring konkretong basehan at dala lang ng aking malikot na imahinasyon.
Pero sa palagay ko, ito ay mas malapit sa katotohanan kaysa ibang paliwanag at
paglalarawan dito. Kung ang teoryang ito ay totoo, kailangang makaimbento ng
specialized modem or decoder upang makilala at magkaroon ng interaction sa
isang kaluluwa. Pero sa ngayon, isang crystal ball or spirit of the glass lang
ni Aling Tinay ay nagkakaigi na, pwede nang makachat ang kaluluwa ng namayapa,
walang binatbat ang skype at yahoo messenger.
Sunday, October 25, 2015
Overrated Puso
Sa araw araw kong naka-tune-in sa radio, pakikinig sa
player, hundreds, thousands of songs, napansin ko lang, halos lahat ng lovesongs ay
may lyrics na "puso", o "heart". Bakit ang mga lyricists,
compositors ay hindi makagawa ng love song na walang salitang "puso, o
"heart" na inirerekado sa kanilang komposisyon. Kumbaga, para itong
asin na kasahog sa lahat nang lutuin.
Bakit ang heart laging naka-associate sa love? Marami nang
tula, kanta at mga istorya ang naisulat patungkol sa hiwaga ng pag-ibig na
nagmula diumano sa puso, na ang dahilan diumano ay puso.Heart is the symbol of
love? Bakit nga kaya?
Anatomycally, wala namang kinalaman ang puso sa pagiging
in-love ng isang tao. Ang brain pa rin ang dahilan ng pagiging inlove ng isang
tao (the accumulation of oxytocin and dopamine in the brain).
Ang nararamdamang "chuvachuchu" at kabog sa
puso ay epekto na lamang ng signals na galing sa utak. Ito'y tulad lamang
sa pagbilis ng paghinga na epekto sa baga, pagkabulol na epekto sa dila,
pagiging pinkist or blush na epekto sa balat at nerves, at marami pang iba.
Kung ganun naman pala, bakit kaya heart lamang ang laging
bida sa lahat ng usapin tungkol sa pag-ibig? Nariyan pa rin naman ang lungs,
gall bladder, tongue, skin, etc.
Kaya naman inaabangan ko, and I challenge everyone na gumawa
ng komposisyon which pay tribute to other affected organs kapag in love ang isang
tao. For the start, here's some hints.. Straight from the
"Lung",..Itanong mo sa "Pantog" ko... You Took My
"Pores" Away...
Friday, September 18, 2015
Hanggang Sa Buwan
Maraming love birds ang nagpapalitan ng matatamis na salita na hindi naman naiintindihan kung ano ba talaga ang nakapaloob sa salitang binabanggit. Naglipana sa text, fb at twitter ang mga salitang ito na nagpapahiwatig diumano ng wagas at pangmatagalang estado ng pagmamahal sa isang taong pinatutungkulan nito. Halimbawa ang gasgas na ipinapahayag ng mga magsing-irog ang katagang 'i love you to the moon and back'. Gaano ba ito katibay upang ito ay pagbasehan ng pagmamahalan? Malayo sa kalaliman ang idyomang ito sa isa pang palasak na kasabihang 'suntok sa buwan' na nangangahulugan ng malabong mangyari ang isang bagay. Pwera na lang kung ikaw si Lastikman na kayang pahabain ang kamao o kaya naman ay pupunta sa buwan para bigyan ng isang punch ang isang punso doon.
Ating suriin ang katagang 'i love you to the moon and back'. Gamitan natin ng konteng aritmetik at science na natutunan noong elementary grade.
Ang layo ng buwan sa mundo ay 384400 km. Kung lakbayin din lamang ang panuntunan, tunghayan ang aking analisasyon tungkol dito. Umpisahan atin sa basic mobilization of man, ang paglalakad. Ang paglalakad ay may average speed of 5 kmph. Ayon sa aking 'talapindutan ng mga bilang', sa loob ng 22 years, tapos na ang roundtrip sa buwan. Pero in fairness, 22 years na 'yan. Hindi na masama sa magsing-irog, at least tatagal sila ng 22 years. Eto yung tipong katulad ng relasyon ng dating mag-asawang Morgan Freeman at Myrna Colley . Kung gagamit naman ang bilis ng kotse na may average speed na 120 kmph, 270 araw lang nakauwi ka na ulit sa bahay mo. Ito yung relasyon ng mga feeling celebrities, mga 6 months to 1 year relationship. Kung sasakyan naman ay ang katulad ng Apollo 11 spaceshuttle, 7-8 araw lamang ang isang balikang paglalakbay sa buwan na katulad ng ginawa nina Neil Armstrong et.al. Ibig sabihin, isang linggong pag-ibig lamang 'yan at tapos na ang 'to the moon and back' na sinasabi.
Walang 'forever' sa kasabihan na 'yan kaya 'wag masyadong magpabola sa katagang akala mo'y napakatamis. Parang 'juicy fruit' lang 'yan, matamis lamang sa una, pag tumagal ay para nang ngumunguya ng goma.

Friday, September 11, 2015
Kanta Ko 'Yan
Si Jovit Baldevino ay tinawag na 'walang respeto' ni Wency Cornejo sa kanyang facebook post noong Martes. Kinanta diumano ni Jovit ang sikat na kantang 'Pusong Bato' sa isang konsyerto sa Gensan. Wala sanang problema rito, ang kaso kasama rin nila sa konsyertong iyon ang orihinal na kompositor at umawit ng kanta na si Renee de la Rosa. Inunahan nitong si Jovit si Renee sa pag-awit, kaya nagmukhang nga-nga ang huli sa pagtatanghal.
Isa lamang ang pamosong awiting ito na muli o mas sumikat ng i-revive ang kanta. Narito ng ilan pang awitin na muling binigyang buhay ng mga mang-aawit. Ang 'Paano' ng Shamrock ay unang katha ng Apo Hiking Society ay ilang linggong hit sa ere. Ang mga katha ni Rey Valera tulad ng 'Maging Sino Ka Man', 'Kahit Maputi na Ang Buhok Ko', 'Tayong Dalawa', 'Kung Tayo'y Magkakalayo' at marami pa ay lintek gahasain ni Sharon Cuneta. Ang komposisyon ni Lolita Carbon na 'Ang Pagbabalik' ay muling inihirit ng Aegis. Ang kantang 'Sana Maulit Muli' ni Gary V. ay talaga namang inulit-ulit muli nina Kyla at Regine Velasquez. Ang aking kinakanta kantang 'eh key beles nemeng meglehe ng peg-ebeg me sente, deeg me pe eng eseng kesepmete...' ni Deniel Pedella ay orihinal na gawa ng Rivermaya. Aba may talent nga itong si Deniel Pedilla, kung ang mga sikat na rock ballad na kanta ay kinukuha sa 'E minor' key, ang mga bersyon n'ya ay kinukuha lahat sa 'E vowel' key. Mantakin mo 'yun, bibihira ang gumawa nun at nag platinum record sale pa. Hays, kailangan na talagang linisin ang luga sa teynga ng henerasyon ngayon.
Ang panahon ngayon ng OPM ay bibihira na ang totoong musikero. Ang mga singers ay umaasa na lamang sa katha ng iba. Nabobo na sa paglikha ng tunog at komposisyon, maging pagsulat ng sariling lyrics. Kumbaga, ready-made na at isusubo na lamang. Kaya hiling lamang sa mga hari ng revivals, respeto sa orihinal na artists. Hindi man sila kasinsikat, anuman ang mangyari, vow your head and give way to them no matter what.

Tuesday, September 1, 2015
Kapag Natapos ang Setyembre
Kapag dumarating ang buwan ng Setyembre, hindi nawawala ang
umi-emo at kumakanta ng "summer has come and passed, the innocent can
never last, wake me up when September end..." Ang kantang ito ay isang
sentimyento ng composer (Billy Armstrong) sa pagpanaw ng kanyang ama ng buwan
ng Setyembre. Sa murang edad at dalang pighati ng panahon iyon, naging matamlay
siya at nagkukulong sa kanyang kwarto. Nang minsang tinawag siya ng kanyang
ina, itinugon nya na 'wake me up when September end'.
Umere ang MTV ng
kanta, ngunit sa halip na pagdadalamhati sa ama, nakatuon ang tema sa
magkasintahang pinaghiwalay ng tawag ng tungkulin sa bayan. Pinili ni lalaki
ang sumanib sa pwersang militar upang bigyang katarungan ang 'September 11
attack' sa World Trade Center ng United States. At doo'y, naghihintay si babae
ng pagtatapos ng pangamba at pangungulila na dala ng buwan ng September.
Saturday, August 29, 2015
Laos Na Ang Gulong
Habang ako'y naipit sa napakahabang trapik, napagmasdan ko ang bandang ibaba ng mga sasakyan. Napaisip ako, bakit hindi kami umuusad? Dalawang dahilan, makipot na kalsada at maraming sasakyan. Bakit kaya ang hirap-hirap makarating sa point A to point B gayong napakalapad pa ang ibang bahagi ng kalupaan sa paligid na pwede namang daanan? Limitado ang pag-usad ng trapiko sa kakayahan ng gulong at ginawang kalsada para dito. Kumbaga, bakit kailangang maging ganito ang paggalaw ng trapiko na nakakahon sa ginawang linya sa kalupaan at umiikot na gulong?
Ang gulong o wheel, tire sa wikang ingles ay ang pangunahing bahagi ng sasakyang panlupa na umiiral mula pa noong sinaunang sibilisasyon, naimbento ito noon pang 4500 B.C. Magpasahanggang ngayon, dominante pa rin nito ang lansangan kahit moderno na ang halos lahat ng kagamitan. Nag-iiba ang hugis at disenyo ng mga sasakyan na may mga sopistikadong kakayahan pero iisa pa rin ang pangunahing paraan upang ito umusad sa kalsada - lahat ang nakadepende sa gulong.
Masyado nang sinauna ang gulong. Napapanahon na sigurong palitan ang paghahari nito sa lansangan at umimbento ng mas modernong pamamaraan upang umusad ang sasakyang panlupa. Kailangan nang palitan ang sinaunang teknolohiyang panahon pa ng flintstone ng mas bagong teknolohiya ng mobilisasyon?
Kung ating mapapansin, ang mga imbensyon ay halos ibinabase ang disenyo at balangkas sa mga nilalang na may kakayahan sa ganoong uri ng larangan. Halimbawa ang helicopter ay ibinase ang disenyo sa insektong tutubi na may kakayahang magpalit at gumalaw sa kahit anong direksyon sa himpapawid. Gayundin ang eroplano na ibinase sa paglipad ng ibon. Pamalit sa gulong, bakit kaya hindi natin subukan ang prototype na langgam? Pagmasdan ang mga langgam na nakapilang lumalakad buhat sa isang lugar tungo sa isang lugar. Gaano man sila karami ay nakakarating sila ng hindi humihinto o natatrapik sa kanilang byahe, gaano man kakipot at kahaba ang kanilang nilalakbay. Pwede rin nating pagbasehan ang palaka na may kakayahang magpalundag-lumundag upang makarating sa patunguhan. Nariyan din ang gagamba na pwedeng iakma sa gagawing sasakyan na may kakayahang gumapang at magpabitin-bitin sa mga gusali at poste. Olrayt! welcome to the joyride - parang nasa perya lang...
Hay, ganito talaga pag naiipit sa trapik lahat ay naiisip kung paano makakalaya sa lintek ng trapik na ito. Pagod at paos na akong boldyakin ang gobyerno, pasaway na drayber at komyuter kaya ibabaling ko na lamang ang yamot sa naggagawa ng mga sasakyan..."hoy @#$%&... toyota, honda, kia, isuzu, mazda, etc...maggawa kayo ng sasakyang hindi na ginagamitan ng gulong!"

Friday, August 28, 2015
Markang Demonyo
Lagi kong naririnig noong bata ako sa mga
maglalasing sa amin, "ibili mo nga ako ang markang demonyo".
Tinutukoy nila ang pinakapopular na alak sa Pilipinas maging sa ilang parte ng
mundo na gin. Bilang bata, curious ako kung bakit markang demonyo ang tawag sa
gin (actually Ginebra San Miguel ang brand nito). Habang tumatagal, nagkaroon
ako ng sariling pakahulugan kung bakit markang demonyo ang tawag sa inuming iyon na
kapag nakakainom ay parang mga sinasapian ng demonyo, tulad ng mga nagrarambo,
naghahamon ng away na parang si incredible hulk, at nagwawasang sa bahay at nililigalig ang pamilya.
'Yun naman pala! Pero di alam ng mga lasenggo yan, ang alam lang ng mga 'yun ay ang ubusin ang laman ng bote na yan. Tanungin mo sila 'pag lasheng na at ang isasagot ng mga yan "...kingina, 'di na importante 'yan pare...ang importante ay yung laman ng bote...obra ni nardong putik 'yan pare...tama na ang kwento, tagay nah, hik!"
Thursday, August 27, 2015
Malumbay na Awitin
Isang araw habang nakatutok ako sa sa isang istasyon ng radio, napansin kong sunod-sunod na pagpapatugtog ng mga malulungkot na kanta.
Napaisip ako, masyado ‘ata depressed ang DJ nito bakit sinalangan nya ng
malulungkot na awitin ang kanyang player? Ang intension ba niya ay paagusin
ang luha ng kanyang tagapakinig. Sa tindi ng emosyon ay animo'y nanghihikayat itali ang leeg sa palupo ng bahay habang tinutugtog ang 'di ko kayang tanggapin' ni April Boy Regino? Samahan mo pa ng mga piyesa nina Imelda Papin, Aegis, at Bing Rodrigo ay talaga namang nakakapagbagbag-damdaming pakinggan.
Sa pagmuni-muni, aking napagtanto na ang emosyonal na epekto ng
musika ay hindi nagmumula sa partikular na damdamin ng kanta, sa halip ay
mula sa pagiging emosyonal na idinudulot sa nakikinig. Minsan, ang malulungkot na
kanta ay nakakapagpabalik sa malulungkot na alaala at trahedyang nagdaan sa buhay ng isang indibidwal,
ngunit mas madalas ang mga ito ay gumigising sa interes ng nakikinig dahil
inilalarawan ng mga iyon ang mahahalagang mga kaganapan sa buhay ng ibang tao. Kung
pagbabasehan ang Semantic Pointer Theory of Emotions ni Tobias Schröder, kung
hindi naman nangyari sa buhay ang mga sinasambit sa malulungkot na awitin,
wala itong magiging negatibong epekto. Sa katunayan, iyong mapapag-alaman
na ang kasalukuyang estado ng iyong buhay ay hindi malungkot, trahedya o
kasuklam-suklam na maaaring magbigay sa iyo ng isang pakiramdam ng kaluwagan at
marahil ay kaligayahan na ikaw ay hindi dumaranas ng paghihirap na katulad ng sinasambit
ng kumakanta.
Marami pa rin ang nag-aabang sa bagong album ni Taylor Swift dahil balita ko'y may bago s'yang boyfriend ngayon. Aking aantabayanan ang kanilang breakup dahil siguradong patok na naman ang kanyang bagong breakup songs na gagawin.

Tuesday, August 25, 2015
Prologue
Ang blog na ito ay walang kinalaman kay Adan at Eva. Wala ring kinalaman kay Isaac Newton at mas lalong walang kinalaman kay Steve Job. Hindi rin ito konektado kay Edward at Bella ng Twilight movie saga at maging kay Edu Mansanas. Nais lamang ng may akda na maglaro ng mga titik upang makapagbahagi ng mga 'ginintuang' tilamsik ng diwa at pag-iisip. Ito ay paunang-sabi ng may-akda dahil nangangamba siyang singilan ng royalty fee ng mga taong nabanggit. :)
Kung kayo ay may mga saltik din, mangyari lamang na isulat sa comment section sa bawat topic na nakapaskil.
Kung kayo ay may mga saltik din, mangyari lamang na isulat sa comment section sa bawat topic na nakapaskil.
Subscribe to:
Posts (Atom)